Sa pagdiriwang ng Jewish holiday na Sukkot 2025, nasaksihan ng Jerusalem ang hindi pa nangyayaring dami ng mga Judiong umakyat sa Baitulmaqdis. Noong unang araw ng Chol Hamoed, daan-daan ang pumasok na may kasamang awitan at sayawan. Ipinagbawal man ang pagpasok ng apat na uri (Four Species) sa loob ng lugar, marami ang nagdala nito hanggang sa mga pintuan. Sa loob mismo ng Baitulmaqdis, nagpatuloy ang mga kasayahan na may awit at sayaw. Ilang kabataan ang nakapagsmuggle ng lulav at nakapagdasal dito sa lugar.
Ministro ng seguridad nakisama sa pag-akyat
Kasama sa mga pumasok si Itamar Ben-Gvir, ang ministro ng pambansang seguridad ng Israel, na hayagang nagdasal sa unahan ng isang grupo ng mga dumalo. Ang kanyang presensya ay itinuturing na senyales sa mga pulis na maging mas maluwag. Ayon sa pagtataya ng pamunuan ng Waqf, humigit-kumulang 1,300 Judio ang umakyat noong umagang iyon.
استباحة.. المستوطنون يرقصون ويغنون ويؤدون طقوسا استفزازية في المسجد الأقصى المبارك. pic.twitter.com/DC7u3j2VfK
— شبكة قدس الإخبارية (@qudsn) October 8, 2025
Paghahanda ng pulisya
Inasahan ng pulisya ng Jerusalem District ang pagdagsa. Noong Setyembre 30, 2025, naglabas ng mga natatanging tagubilin si Commander Dvir Tamim ng David Sub-District upang magpadala ng dagdag na pwersa. Upang makayanan ang biglaang dami sa Mughrabi Gate, pinayagan ang bagong mga grupo na makapasok kada sampung minuto, anim na grupo nang sabay-sabay – na labag sa karaniwang protocol, ngunit idinisenyo upang mapanatili ang kaayusan at bigyan ng pagkakataon ang libo-libong dumadalo.
Batikos mula sa oposisyon
Matindi ang batikos mula kay Gilad Kariv ng partidong Democrats. Sa kanyang post sa X, tinuligsa niya si Ben-Gvir at inakusahan ng pagpapahina sa negosasyon para sa pagpapalaya ng mga bihag:
“Ang magarbong pag-akyat ni Ben-Gvir sa Baitulmaqdis ay sadyang ginawa upang sirain ang usapan para sa pagpapalaya ng mga bihag at pagtatapos ng digmaan… Ang ganitong asal ay hahantong sa pagsabog sa lugar. Isang tanong na lamang ng oras.”
Kondenasyon ng Hamas
Kinondena rin ng Hamas ang pag-akyat ng ministro. Para sa kanila, hindi ito tungkol sa Sukkot kundi sa ika-35 anibersaryo ng malagim na kaguluhan noong 1990 sa Baitulmaqdis. Noong Oktubre 8, 1990, nagbagsak ng mga bato ang mga Palestino mula sa loob ng Al-Aqsa patungo sa mga Judiong nagdarasal sa Western Wall. Gumanti ang pulisya ng Israel gamit ang live fire, kung saan 17 Palestino ang napatay at mga 100 ang nasugatan.
Sa kanilang pahayag, sinabi ng Hamas na ang pag-akyat ni Ben-Gvir ay “isang mapang-uyam na hakbang ng pananakop – isang mensahe na sumasakit sa damdamin ng mga Muslim, sa kanilang pighati at sa kabanalan ng Al-Aqsa Mosque.”


