Ipinagdiriwang ng Lungsod ng Jerusalem ang Senior Month ngayong Nobyembre sa temang “Your compass to a healthy and happy life”. Layunin ng programa na palakasin ang malusog na pamumuhay, social connection at financial resilience ng mga nakatatanda sa lungsod, sa pamamagitan ng mahigit 100 na kaganapan at aktibidad na libre o may simbolikong bayad.
Libreng aktibidad para sa mga nakatatanda sa Jerusalem
Gaganapin ang mga aktibidad sa cultural centers, community administration, Cinema City, sports facilities at iba pang lugar sa lungsod. Kabilang dito ang:
-
“Golden Muni-lympics” – mga paligsahan sa edad 60+ tulad ng swimming, ping-pong, chess, walking football at bridge
-
City conference laban sa economic fraud at exploitation kasama ang pulisya, may mga lecture at movement-therapy performance
-
Health at sports day para sa kababaihan sa Neve Yaakov Community Administration, may water-exercise at fitness workshops
-
Citywide health day sa Cinema City na may Zumba Gold, eye check-up, alternative treatments, lecture at local agricultural products
-
Mga online session ng “Digital Monday” tungkol sa ligtas na online shopping, digital wallet at smart consumer habits
Mayroon ding community activities tulad ng workshops, volunteering, guided walks, fitness classes at entrepreneurship meetups para sa mga nakatatanda. Ang ilan ay libre, ang ilan ay may maliit na bayad, lahat ay nangangailangan ng pre-registration.
Ayon kay Mayor Moshe Lion: “Ipinagmamalaki ng Jerusalem ang ating mga nakatatanda. Kayo ang inspirasyon ng lungsod. Ang Senior Month ay pagkakataon upang kilalanin ang inyong kontribusyon at patuloy na pag-ibayuhin ang serbisyo para sa inyong kapakanan. Nandito kami para sa inyo.”
Para sa mga nais makatanggap ng updates, maaaring sumali sa silent WhatsApp groups para sa mga nakatatanda upang makatanggap ng impormasyon direkta sa kanilang telepono.
Makikita ang kumpletong schedule at registration sa opisyal na website ng Lungsod ng Jerusalem:
https://www.jerusalem.muni.il/he/experience/events/senior-citizen-month/?display=gallery


